Skip to content


Isang Hapon sa Shoe Museum ng Marikina City

Mainit sa labas, kaya naman napag-isipan namin na magpahinga muna mula sa init na nilakad namin mula Calumpang hanggang Marikina Bayan. Dahil sa gusto na rin naming magpalamig, pinasok namin ang Museo ng Sapatos o ang Footwear Museum ng Marikina City.

Nasa isang luma o antigong bahay na bato ito, na pinaniniwalaang dating arsenal ng mga gwardya sibil noong panahon pa ni Don Quijote sa Pilipinas. Itinatag ang museo dahil na rin para ipakita sa publiko ang pinagmamalaking industriya ng paggawa ng sapatos ng Marikina. Mismong si BF pa ang nagplano na itoy i-conceive upang maimulat sa mga kabataan at sa mga Pilipino’t dayuhan ang industriya na nagpasikat at nagpabuhay sa bayan ng Marikina….

Sayang at di kami pinayagang kumuha ng piktyur sa loob. Bawal kasi camera. At saka may beinte pesos (P20.00) na entrance fee.

Pagpasok mo pa lang sa malamig na museo, unang bubungad sa’yo ang litrato ni dating First Lady na si Imelda Marcos. Bakit kamo? Dahil dito naka-display ang kanyang sikat na koleksyon ng mga sapatos! Hundreds of pairs ata ang mabibilang mo, at karamihan dito’y gawang Marikina.

Sa mezenine floor naman nakadisplay kung paano gumawa ng sapatos at ang industriyang zapateria.

Sa loob lamang ng sampung minuto, ang munting museo na ito ay nakapagbigay na sa inyo ng isang bakgrawnd ng kasaysayan at kultura ng Lungsod ng Marikina, ang tinaguriang “Shoe Capital ng Pilipinas.”

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lang sa  (02) 430-9735. Ito’y bukas sa publiko araw-araw mula 8AM hanggang 5PM (may lunchbreak ng isang oras, 12PM-1PM) at sarado kung may holiday.

Blog Widget by LinkWithin
Share and Enjoy:
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google Bookmarks

Posted in MetroManila.

Tagged with , , , , .


0 Responses

Stay in touch with the conversation, subscribe to the RSS feed for comments on this post.



Some HTML is OK

or, reply to this post via trackback.