Skip to content


Bungad ng Bukhang Liwayway ng Kalayaan: Aguinaldo Shrine

Photobucket
Dito na marahil sinasabi sa mga aklat ng kasaysayan, idineklara ni General Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng ating bansa. Alam na siguro ng madla kung saang balkonahe dahil na rin sa nakagisnang berdeng limang pisong papel noon na may larawan ng heneral na iniwawagayway ang bandila ng bagong republika sa harap ng a’la El-Shaddai na tao na iisa lang ang nararamdaman, at yun ay kagalakan.

Ok ok, alam na natin na nasa bayan ito ng Kawit Cavite, ito ay may layo sa Luneta Maynila ng higit kumulang na 20 kilometro at matatagpuan ito sa baybayin ng hilagang Cavite sa Manila Bay. Kung pupunta kayo dito ng weekday, good luck at kelangan nyong magtiis sa “Buhos” system na iniimplementa ng mga traffic enforcers ng Cavite para maibsan (o kung minsan, madagdagan) ang daloy ng trapiko. Maglagay na lang kayo ng 45 minuto hanggang isang oras sa pagbyahe…

Photobucket

Sa mismong bahay ni Aguinaldo dineklara ang kalayaan ng ating bansa sa pamamagitan ng pagbabasa sa publiko ng Acta de la Proclamacion de la Indefendecia del Pueblo Filipino na sinulat ni Ambrosio Rinzares Bautista. Dito rin iniwagayway ang watawan na Made in Hong Kong sa mga kamay ni Doña Marcela Agoncillo at pinatugtog sa unang pagkakataon ang “Marcha Nacional Filipina” na sinulat ni Julian Felipe na ngayo’y ating pambansang awit (samantala sa iba ay “Bayang Magiliw” hehe!!)

Kahit na naging simple ang pagdiriwang ng ika-isangdaan at sampung taon ng ating kalayaan, ang diwa ng ating mga ninuno ng makabayan ay nawa’y isapuso natin hindi lamang sa espesyal na araw na ito, kundi pati na rin sa pang-araw araw na gawain natin.

*Ang Aguinaldo Shrine ay bukas sa publiko mula 8-11 ng umaga at 1:30-4 ng hapon Martes hanggang Linggo.

Blog Widget by LinkWithin
Share and Enjoy:
  • Print
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google Bookmarks

Posted in Cavite.

Tagged with , , .


0 Responses

Stay in touch with the conversation, subscribe to the RSS feed for comments on this post.



Some HTML is OK

or, reply to this post via trackback.