Di ko alam pero meron akong pagkahumaling sa mga downtown areas nitong nakaraang araw. Paano ba naman kasi kasama ito sa trabaho ko, bilang isang field researcher ng isang unibersidad na nag-iimbentaryo ng mga lumang bahay na bato sa Maynila. Parang ganito din ang ginagawa ko noon sa Cebu at Iloilo, prinofessionalize na lang, hehe!!
Kung tatanungin ang nakararami, anong pumapasok sa isip nila kung pupunta ka sa sentro ng isang syudad, yung mga lumang downtown areas? Iba iisipin yan, daming mumurahin dyan, iba naman natatakot dahil baka ma-dekwat ang mga bling blings, iba naman sabi madumi at mabaho…Mukha ngang ganun ang konsepto ng downtown sa Pilipinas, pero sa hindi masabing kadahilanan, naiinlab ako sa mga lugar na ito!
Nauna to sa Iloilo, dahil sa pagkahumaling sa mga makaluma nitong arkitektura at tila buhay na buhay na negosyo kaya ko ito nagugustuhan. May marami ka pang matutuklasan maliban na lang sa luma o mga bargain sales at ukay-ukay.
Sa Cebu, napapadalas ako sa downtown dahil na rin sa Basilica de Santo Niño. Dito ako pumupunta, tapos maglalakad sa Colon para wala lang, namamasyal.
At ngayon na andito na ako sa Maynila, kakaibang environment…mas brutal, mas maingay, mas madumi. Pero sa likod nito ay ang puso at kaluluwa ng kulturang Manileño na malayo sa isteryotypikal na urbanite.
Sa mga downtown na ito, dito ko nararanasan at nakikita kung ano ang kaluluwa, puso at isipan ng mismong ciudad. Maaaring marumi o rundown ang komunidad pero mismong cityscape nito at ang mga tao dito ang bumubuhay sa totoong drama ng buhay-syudad sa Pilipinas.




















0 Responses
Stay in touch with the conversation, subscribe to the RSS feed for comments on this post.