Monthly Archive: August 2008

Aug
23
2008

Viva Virgen de Candelaria! (Jaro, Iloilo City)

Pebrero 2. Ito na marahil ang pinaka-una kong pagkakataon na maranasan ang sinasabing pinakamalaking pyesta ng Iloilo, bago pa man sumulpot ang Dinagyang sa syudad. Ito na ang Pyesta ng Nuestra Señora de Candelaria ng Distrito ng Jaro sa Syudad ng Iloilo. Noong una, hindi ko maintindihan kung bakit parag grabe ang kasikatan nitong pyesta na to, na magdadala sa north part ng syudad sa grabeng trapik at di mahulugan ng karayom na namamanata sa Birhen.

Flashback muna tayo. Ang kasalukuyang Katedral ng Jaro (o Katedral ng Santa Elizabeth de Ungria) ay itinayo noong late 19th Century sa komisyon ni Padre Mariano Cuartero. Ang statwa mismo na tinitingala ng mga deboto ay meron ding misteryosong nakaraan. Sinasabing nakita raw ito sa tabi ng Ilog Jaro ng isang mangingisda, hindi raw ito mabuhat ng madla kahit 1 feet lang. Wow, bigat!

Nang mailuklok ang estatwa na ito sa Katedral, pinaniniwalaang lumalaki at lalong bumibigat ito kada taon. May mga araw rin daw na nawawala ang imahen na ito, sabay na nakikita ang isang magandang babae na may dalang anak na naliligo sa isang bukal sa ngayo’y Plaza Jaro.

Dahil sa taglay na mala-milagrosong katangi-an. Maraming naging deboto ang Candelaria…ang kanilang naging simbolo ng pag-asa.

Mismong si Pope John Paul II na mismo ang nagdeklara kay Birheng Candelaria bilang Patrona Santa ng Western Visayas, ng Arsodiosesis ng Jaro noong 1981 nang sya’y bumisita sa syudad…

Read the rest of this entry »

Permanent link to this article: http://habagatcentral.com/2008/08/23/viva-virgen-de-candelaria-jaro-iloilo-city/

Aug
22
2008

Layag Paraw: Paraw Regatta Festival ng Iloilo City

Photobucket

17 Pebrero. Bagama’t binayo ang Iloilo ng malamig na ihip ng hangin mula sa Siberia, hindi nagpatalo ang mga Ilonggo sa kanilang talento na harapin ang bangis ng karagatan na humanaw sa kamuwangan ng mga Ilonggo bilang isa sa mga kilalalang seafarers ng bansa. Ang Paraw Regatta Festival ay tinuturing na isa sa pinakamatandang regatta o karera ng mga yate o bangka sa Asya. Ngayon na nasa ika-36 na taon ng pagdiriwang na ang nasabing festival, ito’y lumaki at lumaki mula sa simpleng karerahan ng mga bangka-de-paraw ng mga mangingisda noon, hanggang naging isa itong pang-akit sa mga turista at mga boat enthusiasts na rin. Tinaguriang ika-tatlong  best tourism event ng ATOP (Assoctiation of Tourism Officers in the Philippines), maliban sa karera sa dagat at pagpinta ng mga layag ng mga paraw, dinagdagan na rin ng mga karagdagang activites ang nasabing pyesta. May sayawan ng samba, may fireworks display noong gabi bago ang fiesta at mga pakontest habang nasa kalagitnaan ng karera ang mga bangka.

Ang karera ngayon ay tila hinabaan at nagtagal ito ng mahigit 2 oras na umiikot mula sa Villa Beach ng Iloilo City, patungo sa Guimaras at pabalik…

Read the rest of this entry »

Permanent link to this article: http://habagatcentral.com/2008/08/22/layag-paraw-paraw-regatta-festival-ng-iloilo-city/

Aug
22
2008

Bungad ng Bukhang Liwayway ng Kalayaan: Aguinaldo Shrine

Photobucket
Dito na marahil sinasabi sa mga aklat ng kasaysayan, idineklara ni General Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng ating bansa. Alam na siguro ng madla kung saang balkonahe dahil na rin sa nakagisnang berdeng limang pisong papel noon na may larawan ng heneral na iniwawagayway ang bandila ng bagong republika sa harap ng a’la El-Shaddai na tao na iisa lang ang nararamdaman, at yun ay kagalakan.

Ok ok, alam na natin na nasa bayan ito ng Kawit Cavite, ito ay may layo sa Luneta Maynila ng higit kumulang na 20 kilometro at matatagpuan ito sa baybayin ng hilagang Cavite sa Manila Bay. Kung pupunta kayo dito ng weekday, good luck at kelangan nyong magtiis sa “Buhos” system na iniimplementa ng mga traffic enforcers ng Cavite para maibsan (o kung minsan, madagdagan) ang daloy ng trapiko. Maglagay na lang kayo ng 45 minuto hanggang isang oras sa pagbyahe…
Read the rest of this entry »

Permanent link to this article: http://habagatcentral.com/2008/08/22/bungad-ng-bukhang-liwayway-ng-kalayaan-aguinaldo-shrine/

Aug
21
2008

Isang Hapon sa Shoe Museum ng Marikina City

Mainit sa labas, kaya naman napag-isipan namin na magpahinga muna mula sa init na nilakad namin mula Calumpang hanggang Marikina Bayan. Dahil sa gusto na rin naming magpalamig, pinasok namin ang Museo ng Sapatos o ang Footwear Museum ng Marikina City.

Nasa isang luma o antigong bahay na bato ito, na pinaniniwalaang dating arsenal ng mga gwardya sibil noong panahon pa ni Don Quijote sa Pilipinas. Itinatag ang museo dahil na rin para ipakita sa publiko ang pinagmamalaking industriya ng paggawa ng sapatos ng Marikina. Mismong si BF pa ang nagplano na itoy i-conceive upang maimulat sa mga kabataan at sa mga Pilipino’t dayuhan ang industriya na nagpasikat at nagpabuhay sa bayan ng Marikina….

Read the rest of this entry »

Permanent link to this article: http://habagatcentral.com/2008/08/21/isang-hapon-sa-shoe-museum-ng-marikina-city/

Aug
21
2008

Nautical Highway Experience

This was one of my first post at my original blog www.berniemack.i.ph (then later at www.habagat.i.ph). Basically it was based on my experience of my first Ro-Ro trip using the Western Nautical Highway from Iloilo to Manila via Caticlan, Mindoro and Batangas. It was 2005, written in 2006.

Sino nga bang mag-aakalang pupunta ako ng Maynila sa kalagitaan ng semestre? Wala di ba? So, ayun, dahil na rin sa spirit of adventurism ko, napasabak akong mapa-Roro.

Sinubukan ko naman ang isang natatanging alternatibo na bukod sa mura na, marami ka pang lugar na makikita, ito ang pumunta sa Maynila sa pamamagitan ng “Strong Republic Nautical Highway” na pinasimunuan ni Pangulong Arroyo para magkaroon ng alternatibo ang “Maharlika Pan-Philippine Highway” sa may silangang bahagi ng Pilipinas.

ISLA PAN DE HAY!
Sumakay ako ng Philtranco. Bus Number 720. Aircon ito pero alam nyo kung saan ito dadaan? Sa Calinog. Opo, imbes na sa Pototan dumaan, eh napadaan pa kami sa Calinog na medyo napalayo sa destinasyon. (Gumising pa ako ng maaga tapos hinatid na ako sa terminal tapos dadaan lang pala sila sa amin! Gastos sa pamasahe!). Pumick-up sila ng pasahero sa daan na may tiket tapos nag-stop over kami sa Lungsod Passi at makainom nga ng kape at makakain ng “linagang pata na may alugbati” (surprised?!). Dalawang oras pa sa pawindang-windang, lubak lubak at makitid na daan patungo sa republika ng “mga taga-hawak ng puting perlas ng Pilipinas” (Aklan) bago kami sumapit sa kabisera nito, ang Kaeibo (Kalibo,hehe!). Nagkita kami ng matagal ko nang hindi nakikitang schoolmate na si Ate Jai-Jai, papunta rin syang Maynila kaso sa kabilang bus sya. Isa nanamang oras at kalahati ang lumipas (sa Ibajay, nakita kong nakaupo sa veranda ang isa naming kaklase nang napadaan ang bus sa kanila) at nakarating kami sa pier ng Caticean (Caticlan), ang sinasabing “gateway to the world’s best beach”, Boracay…

Read the rest of this entry »

Permanent link to this article: http://habagatcentral.com/2008/08/21/nautical-highway-experience/

Aug
20
2008

Cruising the River that Runs Through It: Pasig River Ferry

Photobucket

Pasig River has so much importance in the history of Manila. It was the EDSA during the pre-colonial era, a main water thoroughfare used by our ancestors for trade and travel. It has also become an advantage as a natural harbour for ships. The Spaniards came and constructed the walled city and several pueblos along the river. But just after World War II, as roads plough the streets, the river’s importance declined and was notorious to be “the largest poso negro in Metro Manila.”

Now the efforts have paved the way for its improvement, one of them is the revival of the Pasig River ferry system, which is part of the ways that the government can alleviate transportation woes in the metro. Equiped with air-conditioned catamarans and modern terminals, ferries ply from Pasig City to Intramuros in Manila in an hour less the traffic…

Read the rest of this entry »

Permanent link to this article: http://habagatcentral.com/2008/08/20/cruising-the-river-that-runs-through-it-pasig-river-ferry/

Aug
20
2008

Simula Na! Taralets na!

So, its the start of a new beginning for my blogging life. Anyway, I only took interest with blogging just 2 years ago. I just write out of frustration and wanting to express my ideas and thoughts through the net. Along with that was my experiences with my travels, my praise and my rants.

Traveling has one of the things that I’ve been doing since several days after my birth (yes, I was able to have my first plane ride by December 1985, a few days after my brith). And eversince then, wherever my parents are, I was there. The inquisitive mind and the instinct to explore new places, faces and traditions had never waned. Too bad I never wrote it in a diary, nakakatamad kasi tapos kung may diary ka, aasarin ka na bakla ka kasi ang diary daw ay para sa babae. Sayang!

I never stopped traveling. It was, is and will be my passion. But the difference is that I do not just do sightseeing, but immerse with the culture. More than just an average tourist, I’ve been always fascinated by the things behind culture…For me it adds flavor to the place.

So, it is a new beginning for me. I might be writing in 2 languages. One in English and the other in Filipino (and might be using vernacular) so that I can share my thoughts and experiences not just the digital elites but for the masa as well. The guide for everything Pilipinas (and who knows, labas Pinas, hehe!!)

Kaya Tara na! Taralets!
Visit the blog at: http://www.taralets.co.cc

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Permanent link to this article: http://habagatcentral.com/2008/08/20/simula-na-taralets-na/

Older posts «

» Newer posts

Switch to our mobile site