Nautical Highway Experience

This was one of my first post at my original blog www.berniemack.i.ph (then later at www.habagat.i.ph). Basically it was based on my experience of my first Ro-Ro trip using the Western Nautical Highway from Iloilo to Manila via Caticlan, Mindoro and Batangas. It was 2005, written in 2006.

Sino nga bang mag-aakalang pupunta ako ng Maynila sa kalagitaan ng semestre? Wala di ba? So, ayun, dahil na rin sa spirit of adventurism ko, napasabak akong mapa-Roro.

Sinubukan ko naman ang isang natatanging alternatibo na bukod sa mura na, marami ka pang lugar na makikita, ito ang pumunta sa Maynila sa pamamagitan ng “Strong Republic Nautical Highway” na pinasimunuan ni Pangulong Arroyo para magkaroon ng alternatibo ang “Maharlika Pan-Philippine Highway” sa may silangang bahagi ng Pilipinas.

ISLA PAN DE HAY!
Sumakay ako ng Philtranco. Bus Number 720. Aircon ito pero alam nyo kung saan ito dadaan? Sa Calinog. Opo, imbes na sa Pototan dumaan, eh napadaan pa kami sa Calinog na medyo napalayo sa destinasyon. (Gumising pa ako ng maaga tapos hinatid na ako sa terminal tapos dadaan lang pala sila sa amin! Gastos sa pamasahe!). Pumick-up sila ng pasahero sa daan na may tiket tapos nag-stop over kami sa Lungsod Passi at makainom nga ng kape at makakain ng “linagang pata na may alugbati” (surprised?!). Dalawang oras pa sa pawindang-windang, lubak lubak at makitid na daan patungo sa republika ng “mga taga-hawak ng puting perlas ng Pilipinas” (Aklan) bago kami sumapit sa kabisera nito, ang Kaeibo (Kalibo,hehe!). Nagkita kami ng matagal ko nang hindi nakikitang schoolmate na si Ate Jai-Jai, papunta rin syang Maynila kaso sa kabilang bus sya. Isa nanamang oras at kalahati ang lumipas (sa Ibajay, nakita kong nakaupo sa veranda ang isa naming kaklase nang napadaan ang bus sa kanila) at nakarating kami sa pier ng Caticean (Caticlan), ang sinasabing “gateway to the world’s best beach”, Boracay…

Continue reading Nautical Highway Experience

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Search Here!

Like us at Facebook!

Chatterbox!

Calendar

June 2011
S M T W T F S
« May    
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Taralets Flickeroo!