Daily Archive: October 19, 2009

Oct
19
2009

An Ode to Filipino’s Resilience (part 1)

Malamang, ito na ang unang Filipino at English post ko ito sa blog na ito. Pero marahil, isa na rin itong paraan para sa aking pagbibigay pugay sa bayaning Pilipino. This is just some compilations of my past blog posts in my older blogs dedicated to the Filipino spirit of resilience and bayanihan. This is just the first part. Bangon Pilipino!

Pilipinas: Sa Delubyo at Ligaya

(mula sa The Bamboo Bayou ng berniemack.i.ph – published November 12, 2005)

Filipinos smiling despite the catastrophe (Photo from  Felixberto Baguyo Jr.s Blog http://www.bleuken.com/)

Filipinos smiling despite the catastrophe (Photo from Felixberto Baguyo Jr.'s Blog http://www.bleuken.com/)

Ang Pilipinas ay itinuturing na isa sa mga pinadelikadong lugar pagdating sa mga sakuna na dulot ng lindol, pagputok ng bulkan, bagyo at iba’t ibang delubyo na dala ng inang kalikasan. Kung tutuusin, binibisita tayo ng humigit-kumulang na 18 o 20 na bagyo kada taon, may habagat na nagdadala ng malakas na bugso ng ulan tuwing Hunyo hanggang Oktubre. Mga lindol na aakalain mong katapusan na ng mundo tulad ng nangyari noong 1990 na sumira sa mga lungsod ng Baguio, Cabanatuan at Dagupan. Akala mo ang dagat dito hindi lumalamon ng lupa, noong 1976 ang Moro Gulf Tsunami ay kumitil ng libo-libong buhay sa baybayin ng Mindanao. Ang pagputok ng Pinatubo ay maituturing isa sa mga pagputok ng ika-20 siglo. Ayoko nang isa-isahin at baka maubos oras ko sa blog. Read the rest of this entry »

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Permanent link to this article: http://habagatcentral.com/2009/10/19/an-ode-to-filipinos-resilience-part-1/

Switch to our mobile site