EDSA Traffic

EDSA Traffic

A lot of us are taking for granted the sign “Keep Ticket for Inspection” in the buses or even in its tickets. Let’s not be hypocrites here, sinisiksik natin yung tiket kung saan saan o di kaya itatapon na lang kasi parang basura ang mga ito. It’s a hassle but given the nature of buses in Metro Manila which of “come and go situation,” most of them don’t issue those very detailed tickets unlike those who serve on provincial routes. That recycled ticket is the most important thing that you posses upon riding a bus…so keep your tickets until you’ve reached your destination. Here are some of the tips and consequences on keeping or not keeping your bus tickets. It’s in Filipino.

EDSA 102: Keep Your Tickets for Inspection tips and consequences, or else bahala ka sa buhay mo:

  1. Laging mapagmasid. Pinapa-alahanan ko po sa mga kababayan ko pong komyuter, na laging maging mapagmasid…hindi lang sa mga walang-hiyang magnanakaw at iswitik sa tabi nyo, pati na rin sa mga kundoktor ng bus na sinasakyan nyo. Sa Kamaynilaan, di nag-iisyu ang mga bus ng mga detalyadong ticket nang tulad sa mga provincial buses, barko o eroplano. Come and go operation kasi sila at ito’y naaangkop sa mando na nasa EDSA.
  2. Kung may barya, bayaran mo na lang ng smaller bills o barya. Mas maganda kung mga bente, sinkwenta o barya sinsilyos ang ipambabayad nyo. Lalo na’t sa umaga para wala nang hassle ng sukli. Pero kung wala…basahin ang susunod na tips.
  3. Kung walang panukli ang konduktor, pasabi sa kanya na pirmahan nya sa likod (natural na pinipirmahan talaga ng mga kundoktor ang tiket kung wala pa silang panukli) ng tiket.
  4. Magpapansin na kay manong konduktor. Kung alam mo nang puno na ang bus at medyo malapit ka na sa destinasyon mo…magsimula ka nang magpapansin sa konduktor. Paalalahanan mo ang kanyang obligasyon sayo na meron pa syang dapat isukli sayo. Huwag kang parating umasa na maalala ka nya, lalo na kung punong-puno ang bus! Napapagod na rin sila sa dami ng pasahero.
  5. Kung may kasama ka, sabihin mo sa kanya na iremind ka nya na may sukli ka pang dapat kunin kay manong konduktor.
  6. Huwag itapon ang tiket. Simple lang naman ang hinihiling sa inyo ng bus company, huwag itapon para sa inspeksyon…may nakasulat na nga sa tiket na “Keep Ticket for Inspection,” meron pa nyan sa mga naka-paskil sa mga dingding ng bus. Kaya pagbigay sayo ni konduktor, huwag itapon o iipit sa mga kasingit-singitan ng upuan o gawing wrapper ng pinagnguyaang babol gum! Kasi ganito ang mangyayaring scenario kung itatapon mo ang bus ticket mo:
    1. Magbabayad ka uli kung mag-iinspeksyon na ang supervisor ng mga konduktor at nahuli kang walang tiket. Huwag ka nang magtaka kung bakit magbabayad ka ng doble…ang linaw ng nakasulat sa tiket…minsan maliit nga lang!
    2. At kung wala kang tiket at walang inspeksyon na nangyari at may nangyaring masama o di kanais-nais tulad ng di ka nasuklian ng konduktor o aksidente, wala kang patunay na ikaw ay nakasakay sa bus at mahihirapan kang makagawa ng transaksyon sa bus company.

  7. At ang pinakaimportante sa lahat…huwag maging tanga o magmukhang tanga! Huwag isisi ang lahat sa konduktor, may kasalanan ka din kumbakit di mo nakuha ang sukli mo. Responsibilidad mo din ang pagsakay sa isang pampublikong sasakyan.
A bus line plying Lawton-Cavite/Batangas

A bus line plying Lawton-Cavite/Batangas

At kung umalis na at di pa naibigay sa’yo ang sukli…just hold and keep your ticket (kung andyan pa ang ticket) at pumunta ka sa garahe nila sa kung sa anong kanayunan pa yan. Karapatan mo din na makuha ang iyong sukli mula sa bus company, basta may patunay lang na may obligasyon sila sa’yo…Dun nyo marerealize na, napakaimportante pala ng tiket sa buhay ng isang commuter!

EDSA-Crossing (EDSA-Shaw Blvd Junction), Mandaluyong City, Metro Manila, Philippines

EDSA-Crossing (EDSA-Shaw Blvd Junction), Mandaluyong City, Metro Manila, Philippines

We can clamour LTFRB and the bus companies to have their ticketing system upgraded for theirs and our convenience. Konting dagdag lang sa puhunan ng pagbili ng mga kompyuterized na ticketing machines. But as of now, we have to deal what is given to us as of the moment…and as simple as keeping your ticket for possible inspection is as important as riding yourself to your next destination.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...