17 Pebrero. Bagama’t binayo ang Iloilo ng malamig na ihip ng hangin mula sa Siberia, hindi nagpatalo ang mga Ilonggo sa kanilang talento na harapin ang bangis ng karagatan na humanaw sa kamuwangan ng mga Ilonggo bilang isa sa mga kilalalang seafarers ng bansa. Ang Paraw Regatta Festival ay tinuturing na isa sa pinakamatandang regatta o karera ng mga yate o bangka sa Asya. Ngayon na nasa ika-36 na taon ng pagdiriwang na ang nasabing festival, ito’y lumaki at lumaki mula sa simpleng karerahan ng mga bangka-de-paraw ng mga mangingisda noon, hanggang naging isa itong pang-akit sa mga turista at mga boat enthusiasts na rin. Tinaguriang ika-tatlong best tourism event ng ATOP (Assoctiation of Tourism Officers in the Philippines), maliban sa karera sa dagat at pagpinta ng mga layag ng mga paraw, dinagdagan na rin ng mga karagdagang activites ang nasabing pyesta. May sayawan ng samba, may fireworks display noong gabi bago ang fiesta at mga pakontest habang nasa kalagitnaan ng karera ang mga bangka.
Ang karera ngayon ay tila hinabaan at nagtagal ito ng mahigit 2 oras na umiikot mula sa Villa Beach ng Iloilo City, patungo sa Guimaras at pabalik…














Recent Comments