Pebrero 2. Ito na marahil ang pinaka-una kong pagkakataon na maranasan ang sinasabing pinakamalaking pyesta ng Iloilo, bago pa man sumulpot ang Dinagyang sa syudad. Ito na ang Pyesta ng Nuestra Señora de Candelaria ng Distrito ng Jaro sa Syudad ng Iloilo. Noong una, hindi ko maintindihan kung bakit parag grabe ang kasikatan nitong pyesta na to, na magdadala sa north part ng syudad sa grabeng trapik at di mahulugan ng karayom na namamanata sa Birhen.
Flashback muna tayo. Ang kasalukuyang Katedral ng Jaro (o Katedral ng Santa Elizabeth de Ungria) ay itinayo noong late 19th Century sa komisyon ni Padre Mariano Cuartero. Ang statwa mismo na tinitingala ng mga deboto ay meron ding misteryosong nakaraan. Sinasabing nakita raw ito sa tabi ng Ilog Jaro ng isang mangingisda, hindi raw ito mabuhat ng madla kahit 1 feet lang. Wow, bigat!
Nang mailuklok ang estatwa na ito sa Katedral, pinaniniwalaang lumalaki at lalong bumibigat ito kada taon. May mga araw rin daw na nawawala ang imahen na ito, sabay na nakikita ang isang magandang babae na may dalang anak na naliligo sa isang bukal sa ngayo’y Plaza Jaro.
Dahil sa taglay na mala-milagrosong katangi-an. Maraming naging deboto ang Candelaria…ang kanilang naging simbolo ng pag-asa.
Mismong si Pope John Paul II na mismo ang nagdeklara kay Birheng Candelaria bilang Patrona Santa ng Western Visayas, ng Arsodiosesis ng Jaro noong 1981 nang sya’y bumisita sa syudad…













Recent Comments