Escolta and Carriedo: Street Queens of Downtown Manila

Escolta and Carriedo

I was supposed to write about my personal Visita Iglesia last Holy Thursday, but I couldn’t help but notice the journey that we took, the characters and faces that the streets of Manila shows that Thursday. In this blogpost, I would like to go back to two streets which are two streets that are contrasting with each other, yet a mirror of Manila’s character: Escolta and Carriedo.

Manila has been the capital of the islands since the Spanish colonial era, and it has been a hub of political power and of commerce. From the northern banks of Pasig River, just across the walled city now called Intramuros, this became Manila’s economic hub because it’s near the docks. Between the districts of Binondo and Santa Cruz, Escolta’s prominence rose. On another side, connecting Quiapo to Santa Cruz is the busy street market of Carriedo.

(more…)

Read More

Calle Escolta Manila

Nung bata pa ako, lagi kaming dumadaan dito kung pupunta ng Binondo galing Santa Cruz sa Maynila. Noon pa lang, naririnig ko sa mga magulang ko na may dating reputasyon ang Escolta sa pagiging Wall Street o Ayala Avenue nung kapanahunan na ang financial center ng Pinas ay nasa Maynila pa mismo at wala pa sa Makati.

Noong kapanahunan na sya pa ang dakilang financial center ng Pinas, grabe! Bibong-bibo! Marami sa mga larawan luma na nakita ko ay sumsasalamin sa pagiging sentro ng komersyo ng kapanahunan ng mga Kastila, Amerikano hanggang sa pagkatapos ng Gyera. May makikita kang mga tramvia o mga cable cars na tulad nang sa San Francisco. Mga high-end shops, mga kainan, restoran, mga opisina…ito na mismo ang Ayala Avenue noon panahon pa nina Lolo Jose. Escolta mismo ang tila bumubuhay sa ekonomiya hindi lang ng Maynila, pati na rin ng bansa.

Dahil katabi lang nito ang Muelle ng Pasig River o pier noon na bagsakan ng mga import at export, ang mga opisina ng mga negosyante ay malapit lang sa Escolta.

May mga neon lights pa noon at tila may night life pa.

Pero ngayon, wala na mga ito. Ang natira na lamang ang mga lumang edipisyo na sumasalamin sa nakaraang masigla. Lumipat na ang mga bangko at opisina sa Makati, ang natitira na lang ang mga buildings na yung iba inabandona. Wala na ang tramvia, pinalitan na ng jeepney. Di na rin marami ang tao dito, kung ikukumpara mo sa dati o kahit sa katabi nitong Quiapo. Ang Escolta ngayon ay tahimik, pero dahil na rin sa mga lumang edipisyo na makikita sa lugar ipinaaalala ang isang karakter ng Maynila na sumibol at sisibol muli.

Read More